Pag-uusapan pa ng Metro Manila Council (MMC) kung dapat ba o hindi na kailangan magpatupad ng liquor ban sa rehiyon sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, tanging ang implementasyon lamang ng curfew hours ang natalakay ng MMC sa pulong kagabi.
Una nang napagkasunduan ng mga alkalde ang pagpapatupad ng uniform curfew hours mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga mula sa Lunes, ika-15 ng Marso.