Inihayag ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 114,615 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng AstraZeneca at Sinovac vaccines.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 101,827 na ang naturukan ng CoronaVac habang 12,788 naman ang mga nakatanggap ng AstraZeneca.
Pinakamarami mula sa Metro Manila (40.7%), Cordillera Administrative Region (CAR) (13.9%), at Region 12 (11.7%).
Sinasabing karamihan naman sa mga naturukan ng bakuna ng AstraZeneca ay mula sa NCR, CAR, Ilocos Region, at Calabarzon.
Samantala, batay sa datos ng DOH, nasa 978 na ang mga indibidwal na nakaranas ng hinihinalang “adverse events” matapos mabakunahan.