Patay ang anim na minero habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa naganap na pagsabog sa isang minahan sa probinsya ng Balochistan sa Pakistan.
Ayon sa mga awtoridad, bigla na lamang sumabog ang isang tangke ng methane gas at na-trap ang walong indibidwal na ikinasawi ng anim sa mga ito.
Pahayag naman ng Balochistan Coal Mines Workers Federation, mahigit isang daang minero ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente noong nakaraang taon sa nasabing probinsya.