Maaaari nang ituloy ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapaalis sa mga informal settlers lalo na sa mga tinaguriang danger areas.
Ito’y makaraang alisin na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng isang memorandum circular na nagpapaliban sa mga aktibidad na may kinalaman sa demolisyon.
Ayon kay DILG officer – in – charge Usec. Bernardo Florece Jr., ginawa nila ang nasabing hakbang ngayong umpisa nang lumuluwag ang mga ipinatutupad na quarantine restrictions.
Dagdag pa ni Florece, nakatatanggap siya ng mga ulat kung saan, karamihan sa mga mahihirap na pamilya ang nakatira sa mga tinatawag na danger areas subalit hindi na siya nagbigay ng detalye hinggil dito.