Nanawagan ang pamunuan ng World Health Organization (WHO) sa iba’t-ibang mga bansa na huwag nilang itigil ang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng AstraZeneca.
Ayon kay WHO Spokesperson, Margaret Harris, na itinuturing ng kanilang mga eksperto na isa sa mabisang bakuna ang gawang AstraZeneca at wala rin anito silang nakikitang mag-uugnay na nagdudulot ito ng pamumuo ng dugo o blood clotting.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng WHO na kanilang titignan at paiimbestigahan ang ilang usapin na kumukwestyon sa pagiging mabisa at ligtas nito.
Nauna rito, ilang bansa na ang tumigil sa paggamit ng bakunang gawa ng AstraZeneca matapos na makaranas ng blood clotting o pamumuo ng dugo ang ilang mga indibidwal na nabakunahan na.