Nakapangutang ng $900-M ang Pilipinas sa Asian Development Bank (ADB) para sa pagbili nito ng mga COVID-19 vaccines.
Ayon kay Finance Undersecretary Mark Dennis Joven na isasagawa ang pagpirma sa mga kasunduang ito ngayong buwan ng Marso.
Mababatid na una nang inaprubahan ng ADB ang $400-M na utang bansa para sa healthy system enhancement to address and limit COVID-19 o health 2 project.
At sumunod naman ang World Bank na aprubahan ang $500-M na utang ng bansa para sa kaparehong dahilan.
Kasunod nito, tiniyak ng pamahalaan na ang dalawang utang ng bansa ay mapupunta sa vaccination program ng health department.