Tinatayang aabot sa 55 mga volcanic earthquakes ang naitala ng PhiVolcs sa bulkang Taal nitong nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, ang naturang mga volcanic earthquakes ay karaniwang tumatagal ng dalawa’t-kalahating minuto.
Bukod pa rito, naitala rin ang ibinugang white plume ng bulkan na tinatayang aabot sa 400 hanggang sa 500 metro ang taas.
Dahil dito, nananatili pa ring nasa alert level 2 ang bulkang Taal dahilan para ipagbawal pa rin ang pagpasok ng mga residente sa permanent danger zone nito.