Oobligahin na ng Bohol ang mga papasok na turista sa kanilang lugar na sumalang sa swab test.
Ayon kay Bohol Gov. Arthur Yap, dapat ang RT-PCR test results ay nakuha o inilabas 72 oras bago umalis ang biyahero patungo sa kanilang lalawigan.
Sinabi ni Yap na dapat ay wala ring makikitang sintomas ng COVID-19 sa mga papasok na turista sa kanilang probinsya.