Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) sa Lunes, Marso 15 ang pamamahagi ng bakunang AstraZeneca sa kanilang hanay.
Ayon sa administrative support to COVID-19 operations task force (ASCOTF), nakalaan ang 700doses ng AstraZeneca vaccines para sa nalalabing medical health workers kabilang na ang mga non – medical staff ng kanilang ospital at isolation facilities.
Gayunman, sinabi ni ASCOTF commander at PNP officer – in – charge P/LtG. Guillermo Eleazar na hahatiin nila ang 700 bakunang AstraZeneca para sa una gayundin sa ikalawang batch dahil ito lang ang nakalaan sa kanila.
Kasabay nito, sinabi ni eleazar na sisimulan na rin nila ang pagbabakuna sa ikalawang dose ng bakunang CoronaVac mula sa Sinovac matapos makakuha ng nasa 1,200 doses.