Tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng lockdown sa ilang bahagi ng Quezon City, Mandaluyong City at maging lungsod ng Maynila.
Sa Quezon City, 23 lugar ang isinailalim na sa special concern lockdown tulad ng Robina St. sa Barangay Bungad kung saan ang 14-day lockdown ay nagsimula nitong ika-13 ng Marso matapos maitala ang anim na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pinapayuhan ang mga residenteng manatili sa bahay at kung mayroong mga trabaho ay maghome quarantine o kaya naman ay bumalik ng kanilang mga bahay matapos ang lockdown.
Kabilang din sa naka-special concern lockdown sa QC ang mga sumusunod:
- De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Barangay San Agustin – simula March 1
- No. 46 and 50 K-9th Street, Barangay West Kamias – simula March 3
- 49 & 51 E Rodriguez Sr. Ave., Barangay Doña Josefa – simula March 4
- Paul Street and Thaddeus Street, Jordan Park Homes Subdivision, Doña Carmen, Barangay Commonwealth – simula March 4
- No. 237 Apo Street, Barangay Maharlika – simula March 4
- No. 64 14th Avenue, Barangay Socorro – simula March 6
- No. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon – simula March 7
- No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato – simula March 8
- No. 2A – 4 K-6th, Barangay West Kamias – simula March 8
- Portion of Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia – simula March 9
- No. 138 -178 Orchids Street and No. 153-165 Jasmin Street, Barangay Central – simula March 10
- No. 43 Salvador St., Barangay Krus Na Ligas – simula March 10
- Portion of Ramos Compound, Barangay Unang Sigaw – simula March 10
- No. 86 C. Benitez Street, Barangay San Martin de Porres – simula March 10
- No. 27 Mabituan Street, Barangay Masambong – simula March 11
- No. 77 to Block 2 Lot 7 Orchids Street, Freedom Park 3, Barangay Batasan Hills – simula March 11
- Christ the King Mission Seminary, No. 101 E. Rodriguez Sr. Ave., Barangay Kristong Hari – simula March 12
- Nos. 20 and 22 Antique Street, Barangay Ramon Magsaysay – simula March 12
- No. 43-N Langka Street, Barangay Balingasa – simula March 12
- No. 82 Mabituan St., Barangay Masambong – simula March 12
- PhilQ Manpower Services, No. 16 Tulip St., Barangay Roxas – simula March 12
- No. 41 Mendoza St., Barangay Paltok – simula March 13
Sa Mandaluyong City naman, epektibo ang granular lockdown sa Zone 4, 5 at 9 ng Block 41 sa Barangay Addition Hills simula ika-18 ng Marso kung saan mahigit 500 pamilya ang apektado.