Nagpositibo sa COVID-19 si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.
Ito ang kanyang kinumpirma sa isang press briefing, ani Roque siya’y sumailalim sa test para sana’y sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte pero sa resulta ng test lumabas na siya’y positibo sa virus.
Dahil dito, nanawagan si Roque sa sinumang nakasalamuha nito na agad mag-quarantine at i-monitor ang kani-kanilang kondisyon.