Ibinabala ng OCTA research group ang posibleng pagsampa sa 20,000 kaso ng COVID-19 kada araw kung hindi mapipigilan ang pagtaas nito.
Paliwanag ni Dr. Guido David ng OCTA, kung pagbabatayan kasi ang “current reproduction number” ngayon at hindi ito maagapan, hindi malabong maabot ang nabanggit na bilang kada araw.
Ang mataas aniya na reproduction number ay indikasyon ng patuloy na pagkalat ng virus.
Kaugnay nito, sinabi ng grupo na kabilang sa mga lungsod sa NCR na nakapagtala ng mataas ng kaso ng nakahahawang sakit ay ang Quezon City, Manila, Pasay, Makati, Parañaque, Taguig, Caloocan, Pasig, Malabon, Valenzuela, Marikina at Navotas.