Muling hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magsuot ng face mask sa loob ng bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga tahanan.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, makatutulong ang pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay para maiwasan ang hawaan.
Mas maiingatan aniya rito ang mga nanatili sa bahay na matatanda at mayroong sakit gaya ng hypertension o diabetis.
Una rito, nagpahayag ng pangamba ang doh kaugnay sa pagdami ng kaso ng COVID-19 kung saan magkakapamilya mismo ang nagkakahawaan.