Inihayag ng health department na tumataas ang bilang ng mga na-ookupang ICU beds sa mga pagamutan sa bansa.
Ito’y sa kabila ng mababang antas ng paggamit o utilization rate sa mga COVID-19 beds.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, director IV ng DOH-health promotion bureau na nasa 35% ang utilization rate ng dedicated COVID-19 beds sa Pilipinas na itinuturing pa aniyang ‘low risk.’
Pero ani Dr. Ho, kung ang datos ng mga binabantayang lugar dahil sa mataas na kaso ng virus ang titignan, mababatid na nasa 49% ang utilization rate ng National Capital Region (NCR).
65% naman ang moderate risk sa ICU beds, at 38% ang ginagamit na mga mechanical ventilators.
Sa Central Visayas naman, 47% ang utilization sa mga dedicated bed sa at 49% sa mga ICU beds.
Habang 33% naman ang naitatalang utilization rate sa Davao Region at 52% sa ICU beds nito.
Samantala, sa datos na inilabas ng DOH, kabuuang 2,089 lang ang bilang ng mga ICU beds sa bansa.
17,508 naman ang isolation beds, habang 9,345 ang bilang ng mga ward beds.