Iniimbestigahan na ng People’s Television Netwok (PTV) ang pagkaka-post ng “#dutertepalpak” sa isang social media account nito.
Tinutukoy sa naturang post sa Twitter ang sinasabing pamamahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng libreng face masks sa publiko at sa post na ito naisama ang naturang hashtag na nag trending noong Lunes.
Ayon sa pamunuan ng PTV, wala sa orihinal na caption ang nasabing hashtag.
Kaugnay nito humingi ng paumanhin ang government TV network ang tiniyak na iimbestigahan ang nasa likod ng umano’y malisosyong post.