Patuloy ang pagdami ng tawag na natatanggap ng One Hospital Command Center bunsod ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Leopoldo Vega kaugnay sa pagbuhos ng tawag sa nakalipas na tatlong linggo.
Ani Vega, pumapalo sa 250 hanggang 300 ang average na tawag na kanilang natatanggap kada araw.
Ang One Hospital Command Center ay nagsisilbing centralized network para matugunan ang mga nangangailangan ng medical assistance anumang oras.