Target ng gobyerno na mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasa 450,000 Pinoy sa susunod na buwan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa ngayon ay naghahanap na sila ng 4,500 vaccination sites kung saan isasagawa ang pagbabakuna sa 100 indibidwal.
Una rito, sinabi ng gobyerno na inaasahang matatapos ang pagbabakuna sa 1.7-milyong health workers ngayong buwan.
Sa ngayon ay may 215,997 medical frontliners na ang nabakunahan.