Hinimok ng CBCP ang publiko na makiisa sa idaraos na Earth Hour sa Marso 27.
Sinabi ni CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, na ang Earth Hour ay daan para maipakita ang malasakit sa kalikasan sa pamamagitan nang pagpatay ng mga ilaw o kuryente sa loob ng isang oras mula alas-8:30 ng gabi.
Ayon sa World Wildlife Fund, ang tema ng earth hour 2021 ay speak up for nature.