Napipilitang magbawas ng gastusin ang ilang pribadong ospital sa bansa upang patuloy na matugunan ang atensyong medikal ng Pilipinas laban sa pandemyang COVID-19.
Ayon kay Dr. Jose de Grano, Presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi), dahil ito sa hindi pa rin nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang anim na bilyong pisong utang nito para umano sa reimbursement mula noong Disyembre 2020.
Dagdag ni Grano, marami na umanong miyembro ng PHAPi ang nagrereklamo dahil nangako umano ang PhilHealth na magbabayad ito, ilang ospital na rin ang nagpatupad ng work from home arrangements at staggered hours o paiba-iba ng oras ng pasok.
Paliwanag ni Grano, habang hindi pa nababayaran ng PhilHealth ang utang nito sa mga pribadong ospital patuloy anila itong tataas dahil patuloy pa rin ang pagdating ng mga pasyente.
Giit pa ni Grano,hindi kagaya ng pampublikong ospital ang mga pribadong ospital dahil pinipilit na lamang ng mga ito na maka-survive at nakaka-survive lamang ang ito dahil sa pagbabawas ng gastusin.
Tinatayang aabot sa 600 na pribadong ospital sa bansa ang nasa miyembro ng PHAPi.— sa panulat ni Agustina Nolasco