Karamihan sa mga nadiskubreng P.3 variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay natagpuan sa Central Visayas.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman ng Department of Health Epidemiology, nasa 98% ang nadiskubreng tinamaan ng P.3 variant at 80% dito ay mula sa Region 7.
Sa ngayon ay bineberipika pa aniya ang lugar ng ibang may kaso ng P.3 variant dahil posible umanong na-test sa kanilang lugar ang mga ito ngunit nakatira naman sa ibang rehiyon.
Kasalukuyang nagpapatuloy ang pag-aaral sa posibleng epekto ng P.3 variant na sinasabing taglay ang N501Y at E484K mutations.