Nabakunahan na kontra COVID-19 si PNP chief, Police General Debold Sinas noon pang-Nobyembre noong nakaraang taon.
Ito’y ayon kay dating Philippine special envoy to China Ramon Tulfo sa kanyang column sa isang pahayagan.
Ani Tulfo, tinurukan na ng bakunang gawa ng Sinopharm si Sinas kasama niya noong Nobyembre, kaya’y kumpyansa itong hindi mamamatay si Sinas dahil sa virus.
Bukod pa kay sinas, sinabi ni Tulfo na kasama niyang nakatanggap ng bakuna ay ang kanyang mga security escorts.
Magugunitang noong nakaraang linggo, inihayag ng Philippine National Police (PNP) na dinapuan ng COVID-19 si Sinas.
Sa panig naman ng PNP, sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Ildebrandi Usana na wala siyang alam sa usapin na isiniwalat ng kolumnista.