Target ng Philippine Airlines (PAL) na i-divert sa Cebu ang ilang pasaherong mula sa Middle East alinsunod sa limitasyon na 1,500 na pasahero kada araw sa paliparan.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villanueva, na ang mga pasaherong mula sa Middle East ay isasailalim sa quarantine sa Cebu ng ilang araw bago ito makabalik sa Metro Manila.
Malaking kabawasan ito sa mga quarantine facilities na punuan na dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Bukod dito, isasailalim sa swab test ang mga dumating na OFW sa bansa sa ikaanim na araw nila sa quarantine.
Una ng sinuspinde ng gobyerno ang pagpasok ng mga dayuhan at mga pilipinong hindi OFW mula bukas hanggang sa ika-19 ng Abril.— sa panulat ni Rashid Locsin