Siyam na katao ang patay nang bumagsak ang isang helicopter sa Central Afghanistan.
Nangyari ang insidente matapos bumagsak ang helicopter ng Air Force N777 brigade na nagresulta sa pagkamatay ng apat na tauhan at limang sundalo .
Ang pag-crash ng helicopter ay karaniwan ng nangyayari sa Afghanistan dahil sa mga teknikal na problema o miltanteng pag-atake.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente.— sa panulat ni Rashid Locsin