Iniimbestigahan na ng Airport authorities ang reklamo ni Father Jose Rellente kaugnay sa naburikeng bagahe nito nuong October 15 nang manggaling sa Amerika.
Ayon kay Dante Basanta, NAIA Terminal 1 General Manager, nakarating na sa kanilang tanggapan ang reklamo ni Father Rellente at hinihintay na lamang nila ang e-mail nito para ipadala sa Korean airlines ang commercial aircraft na sinakyan ng nasabing pari.
Magugunitang inireklamo ni Rellente na binuksan at hinalungkot ang kaniyang balikbayan box at pina labas na nanakawan ang bahage ng dumating sa paliparan.
By: Judith Larino | Raoul Esperas (Patrol 45)