Pwede nang umuwi ng Pilipinas ang mga Filipinong manggagaling sa ibang bansa.
Ito’y matapos bawiin ng National Task Force against COVID-19 ang naunang memorandum kaugnay sa international travel restrictions.
Batay sa inilabas na bagong memorandum circular no.6 na may petsang March 18, 2021 maaari nang pumasok sa bansa ang lahat ng Filipino citizens kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ipinagbabawal naman dito pagpasok sa bansa ng mga dayuhan simula March 22 hanggang April 21, 2021.
Magugunitang nilimitahan ang pagpasok ng mga international travelers dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.