Nanawagan sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng tsansa ang national ID system.
Ayon sa Pangulo, layon ng programa na mapabilis ang paghahatid ng serbisyo, masawata ang korapsiyon at masugpo ang red tape sa mga ahensya ng gobyerno.
Matatandaang nilagdaan ng presidente ang Philippine Identification System (PhilSys) Act noong 2018 kung saan iminamandato nito ang pagkakaroon ng iisang official identification card ng lahat ng Filipino citizens at foreign residents.
Pinaaalalahanan naman ng Pangulong Duterte ang publiko na sumunod sa health protocols sa pagpaparehistro para sa ID system upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.