Pitong pang Pilipino sa labas ng bansa ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahilan upang umakyat na sa 15,948 ang impeksiyon doon.
Ayon sa DFA, nasa 9,666 na ang recoveries kasunod ng paggaling ng 17 pang pasyente.
Isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t sumampa na sa 1,045 ang death toll habang nasa 5,237 ang active cases sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.