Bagama’t nangunguna si Guy Brice Parfait Kolélas sa halalang pampanguluhan sa Republic of Congo, isang masamang balita naman ang bumungad sa mga botante.
Ito’y makaraang tamaan ng COVID-19 ang opposition candidate kung saan kasalukuyan itong naka-oxygen sa isang ospital na nangyari ilang oras matapos itong bumoto.
Matatandaang hindi dumalo si Kolelas sa huling araw ng kampanya at sinasabing inamin nito sa kanyang mga tagasuporta na maaaring tinamaan siya ng malarya.
Nabatid na ang 61 anyos na kandidato ay may sakit na diabetes kaya’t lantad ito sa mga komplikasyong dulot ng coronavirus.