Aarangkada na ang pagpapalalim o dredging ng Bicol River sa Marso 23.
Maliban dito, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, magkakaroon din ng bamboo planting activity bilang bahagi ng mas pinaigting na rehabilitation efforts sa nasabing ilog.
Ililipat naman sa isang resettlement area ang mga informal settlers na naapektuhan ng pagbaha sa Bicol River sa pananalasa ng mga bagyong Ulysses at Rolly noong 2020.
Sinasabing itatambak sa mas malawak na parte ng 94 ektaryang ilog ang mahuhukay na sand materials (pulong buhangin) sa lugar.
Samantala, nangako ang DENR na tatapusin nito ang proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.