Uubrang i-rebook ng mga turista mula sa Metro Manila at apat na kalapit lalawigan, ng walang dagdag na bayad, ang mga nakaplano nang bakasyon ngayong Mahal na Araw.
Ayon ito kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat matapos aniya niyang makausap ang mga airline, gayundin ang hotel and restaurant associations.
Sinabi rin ni Puyat na pinapayagan ang staycation na may age restrictions sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Nakakalungkot aniyang pabuwelo na ang ekonomiya lalo’t magma-Mahal na Araw at marami ang aalis pero patuloy ang pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kaya’t mabuting pagbigyan na rin lamang ang mga doktor at health experts sa hinihiling na time out.