Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang mga bakunang hindi nagamit mula ika-24 ng Marso ay posibleng ilipat ang mga lugar na laganap ang COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahabang panahon na ang ibinigay na oras para sa pagbabakuna.
Dagdag ni Vergeire, nagbigay na sila ng deadline na kailangan ng magamit ang mga bakuna sa ika-24 ng Marso dahil kung hindi mapipilitan silang kunin ang mga suplay ng bakuna at dalhin sa mga lugar na may mataas na bilang ng virus.
Hindi ibig sabihin aniya nito ay mawawalan na sila ng suplay dahil maraming suplay ng bakuna ang darating sa bansa.
Samantala, tinutulan naman ito ng League of Provinces of the Philippines hinggil sa limitado lamang ang mga bakuna sa mga lalawigan.
Gayunman, pag-aaralan ng mabuti ng DOH ang desisyon sa naturang bagay. — Sa panulat ni Rashid Locsin.