Ilalarga na ang bawas presyo ng petrolyo bukas, ika-23 ng Marso.
Magbabawas ang kumpanyang Shell, Petro Gazz at Cleanfuel ng 35 sentimo sa kada litro ng diesel.
Habang tatapyasan naman ng 45 sentimo kada litro sa kerosene.
Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Una nang sinabi ng mga taga-industriya na isa sa dahilan ng pag-rollback ng petrolyo ay ang pagsuspindi ng pagbabakuna ng AstraZeneca vaccine at travel restrictions sa ilang bansa sa Europa. — Sa panulat ni Rashid Locsin.