Kinumpirma ng aktres na si Carla Abellana at ng kanyang long-time boyfriend na si Tom Rodriguez na engaged na sila sa kanilang instagram post.
Kalakip ang parehas na larawan nilang dalawa, nagpost ang mag-fiance sa kanilang instagram account kung saan makikita ang engagement ring na suot ni Carla.
“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this,” caption ng aktor ni si Tom Rodriguez sa kanyang instagram post.
Habang “A million times, YES,” naman ang caption ni Carla.
Ayon naman sa Nice Print Photography na siyang official photographer ng proposal ni Tom sa aktres, Oktubre pa nang nakaraang taon nagpropose ang binata sa dalaga.
Matatandaang halos pitong taon nang magkasintahan si Tom at Carla.— sa panulat ni Agustina Nolasco