Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) ng stamp bilang pagdiriwang ng unang Easter mass sa bansa, 500 taon na ang nakalilipas.
Ayo sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) website, ang disenyo ng stamp ay bahagi ng mga hakbanging gunitain ang 500 years ng Christianity sa bansa.
Ang commemorative stamp ay inilabas bago ang pagdiriwang na gagawin sa Limasawa Island sa Southern Leyte sa ika-31 ng Marso.
Makikita sa mga stamp ang litrato ng Limasawa Island at isa naman ay larawan ng isang pari na hawak ang communion host at chalice at nakasulat ang mga katagang: “Limasawa — A Gift of 500 Years of Faith and Discipleship”.
Sa official first day cover, ang logo ay inilagay sa isang devotional painting sa first Easter mass sa Shrine of the Holy Cross at first mass sa Triana Village sa Limasawa.
Ang commemorative stamps at officil first day covers ay available sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office at lahat ng Manila Post Offices.