Nagtakda ng Al-Fresco o Open-Air dining ang mga restaurant sa mga mall sa Quezon City.
Ito’y matapos suspendihin ang pagkain sa loob ng mga restaurant na kasama sa NCR plus bubble dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa ilang may-ari ng mall sa Quezon City, umaasa na lamang sila sa mga delivery apps kung saan pansamantalang ipinagbabawal ang indoor dining.
Ipinabatid naman ni Trade Secretary Ramon Lopez, na malaki ang epekto ng pagsara ng indoor dining ngunit kailangan nila ang kooperasyon ng mga ito upang makontrol ang pagkalat ng virus sa bansa.
Samantala, ilang food court na rin ang inalis ang kanilang mga upuan at lamesa upang maiwasan ang pagkain sa loob.— sa panulat ni Rashid Locsin