Isang piloto ang patay habang isa pa ang nawawala matapos magbanggaan sa himpapawid ang dalawang Taiwanese fighter jet.
Nangyari ang insidente habang isinasagawa ang training mission ng dalawang Air F-5e fighters na may tig-isang piloto.
Ayon sa air force ng Taiwan, dinala pa sa pagamutan ang piloto ngunit kinalaunan ito’y nasawi.
Dahil dito, sinuspinde muna ang lahat ng training mission at grounded na ang F-5 fleet.
Samantala, ito na ang ikatlong insidenteng naitala sa loob ng isang taon.— sa panulat ni Rashid Locsin