Umabot na sa 508,332 mamamayan ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ito’y base sa inilabas na datos ng Department Of Health o DOH, nasa 62% ng bakuna ang nagamit para sa pagbabakuna.
Dagdag ng kagawaran, naipamahagi na rin ang 98% ng bakuna sa mahigit 1k vaccination sites sa buong bansa.
Magugunitang, dumating na sa bansa kahapon ang dagdag na 400k doses ng bakuna na donasyon mula sa China.
Samantala, sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na kulang na kulang ang mga bakuna para mabakunahan ang 1.7 milyong health care workers sa bansa.
Ang natitira pa ho natin kasama ang 400k kasama yung kaninang dumating will be about mga 900k pa po ang natitira na doses but this is not enough, because the total delivery which is about 1,525,600 ang total na dumating is only about 30% of our requirement for 1.7 million of healthcare workers times 2 pa yun Mr. President 3.4 million ang kailangan nating doses so kulang na kulang talaga ang bakuna sa ngayon Mr. President,″pahayag ni Duque.— sa panulat ni Rashid Locsin