Umaabot pa sa 3 milyon ang wala pa ring biometrics dalawang linggo bago ang deadline sa voter’s registration.
Muling nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi maaaring makaboto sa 2016 elections ang mga botante na walang biometrics.
Ayon sa COMELEC, 5.86 na porsiyento pa lamang ng 52.2 milyong registered voters sa 2016 ang may biometrics.
Sa ilalim aniya ng Republic Act 10367, inoobliga ang lahat ng rehistradong botante na magpabiometrics. Dito makikita ang kanilang photograph, fingerprint at signature.
Ang sinumang hindi makakapagpabiometrics ay tatanggalin ng COMELEC sa listahan.
By Mariboy Ysibido