Hiniling ng netizens sa Philippine National Police na imbestigahan muli ang background ng napatay na si Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.
Si Aquino ay namatay sa shootout noong Marso 8 sa tulay ng Laboyao sa Barangay Lonoy, Calbayog City.
Namatay din sa insidente sina S/Sgt. Rodeo Balonzo, S/Sgt. Romeo Laoyon, at Dennis Abayon, drayber ni Aquino.
Ang bangkay naman ni Capt. Joselito Tabada, hepe ng Samar Drug Enforcement Unit at pinuno ng pulis ng bayan ng Gandara sa Samar, ay natagpuan sa ilalim ng tulay.
Ayon sa mga netizens, pag-aari umano ni Aquino ang Villa Marcelina Resort sa Bgy. Baot, Calbayog City at isa lamang ito sa mga ari-arian na naipundar niya sa kanyang termino.
Ayon sa ilang netizens, kailangang imbestigahan din ang ibang anggulo sa pagpatay kabilang ang record ni Aquino dahil sa mga dating napabalitang pangyayari.
Noong 2018, itinuro ni Francis Grey, anak ni Samar Mayor Joseph Grey, si Aquino bilang isa sa mastermind ng pagpatay kay Barangay Captain Romulo Barcoma.
Si Grey ay naaresto ng pulisya sa Imus, Cavite para sa naturang pagpatay at sinabi nya sa media at inilagay sa kanyang sworn affidavit na si Aquino ay isa sa mastermind ng krimen.
Noong 2019, itinuro rin ni Grey si Aquino protektor ng iligal na droga.
Hindi na siguro nakakagulat toh, kung ikaw ba naman ordinary Mayor ka lang na tapat makakabili ka kaya ng ganyang resort hindi siguro. Involved talaga siguro sa drugs yan,” ayon sa isang post ng isang netizen na si Elsa David.
Dagdag ng netizen na si Bryan Santos, “Di ko alam pero feeling ko kaya siya tinimbog ng mga pulis dahil may kasalanan siya. Please sa mga mayors dyan magtino kayo.”
Policemen were brave enough to target people like Mayor Aquino because of their involvement in drugs,” ayon naman kay netizen Betty Collin na ipinagtanggol ang mga pulis.
Wika ng isa,
Rest in peace mayor. Such a disappointment when you defend someone na involved pala sa drugs.”
Dagdag ni Collin,
Now we can see what will happen to those people that involve themselves in drug business. Do not follow Mayor Aquino’s mistake.”