Ipinag-utos ni Chief Justice Diosdado Peralta ang two day closure sa lahat ng korte na nasa ilalim ng ‘NCR plus’ sa gitna ng lumolobong naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa isang pahayag, epektibo kaninang alas-2 ng hapon hanggang bukas ang naturang physical closure sa Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at mga trial courts.
Gayunpaman, mananatiling accessible ang iba’t-ibang hotline, email address, maging ang official website ng Korte Suprema para sa iba’t-ibang katanungan.