Nasa 63% ang namamatay na mga senior citizens dahil sa COVID-19.
Ito’y base sa inilabas na datos ng Department Of Health, sa kada 13k namamatay dahil sa COVID-19 walong libo rito ay mga senior citizen.
Ayon kay Dr. Shelly Ann Dela Vega, Director of the Institute on Aging, kailangan na ring mabakunahan ng mga senior citizen dahil ito’y nakakaranas na ng panghihina na kailangan maproteksyonan ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa ngayon, ang mga bakunang mula sa Chinese firm Sinovac at British Pharmaceutical firm na Astrazeneca ang dumating pa lamang sa bansa.
Samantala, hindi pa sapat ang mga datos ng bakunang mula sa Sinovac na maiturok sa mga senior citizen.
Gayunman, ang aprubadong bakuna na maaaring maiturok sa mga matatanda ay ang bakunang mula sa Astrazeneca na ginagamit ngayon sa medical frontliners.
Maaari rin makatanggap ng bakuna ang mga senior citizen na mula naman sa Pfizer-BioNTech at Sputnik V, ngunit wala pang eksaktong petsa kung kailan ito darating sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin