Naghain ng ‘manifestation of intent to participate’ o kagustuhang makilahok sa halalan sa susunod na taon ang Kabataan party-list.
Ayon kay Kabataan party-list Representative Sarah Elago, inihain nila ito sa Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng electronic filing noong ika-19 ng Marso at sa pamamagitan naman ng courier service nitong ika-21 ng Marso.
Dagdag pa ni Elago, hindi aniya sila mapipigil ng anumang pagbabanta gaya ng pagkakadiskwalipika at umano’y matinding pag-atake.
Kasunod nito, nanawagan si Elago sa mga kabataan na magparehistro na para makalahok sa susunod na halalan.
Magugunitang bago nito, naghain din ng kaparehong kagustuhan ang Gabriela party-list na lumahok din sa paparating na eleksyon.