Mapupunta sa mga healthcare workers na nasa mga lugar na may mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 400,000 doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ang napagkasunduan ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ibigay ang daan-daang libong bakuna sa mga lugar sa NCR Plus, pati na rin sa Cebu at Davao.
Dagdag pa ni Roque, sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ipapamahagi ang bakuna, hindi lamang sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19, kung ‘di pati na rin sa mga lugar na pinakaapektado ng mga bagong variants nito.
Magugunitang dumating sa bansa ang naturang bakuna kontra COVID-19 mula china nitong Miyerkules, ika-24 ng Marso.