Muling nakapagtala ng bagong record high sa kaso ng COVID-19 ang pamunuan ng Department of Health (DOH).
Sa pinakahuling tala ng DOH, sumirit sa 9,838 ang bilang ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, pumalo na sa 702,856 ang kabuuang kaso.
580,689 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19, matapos na maitala ang 663 na mga bagong gumaling sa virus.
Habang 54 naman ang dumagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t 13,149 na ang kabuuang bilang nito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 9,838 ngayong Biyernes, Marso 26.
Pumalo na sa kabuuang 702,856 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 109,018 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/rBHIAA5NwC
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 26, 2021