Isasalang pa rin sa mandatory quarantine ang mga overseas Filipino workers kahit pa nabakunahan na ang mga ito.
Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, batay kasi sa polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay obligado rin ang mga returning Filipino workers na sumailalim sa swab test bago payagang makauwi sa kanilang mga probinsya.
Paliwanag ni Cacdac, may mga pagkakataon din na may nahawaan ng virus kahit naturukan na ang mga ito ng COVID-19 vaccine.
Samantala, iniulat ng opisyal na may tinatayang pitong libong OFWs ang kasalukuyang tumutuloy sa mahigit isang daang hotel sa iba’t ibang lugar.
Sa oras aniyang mag-negatibo sa virus, papayagan na ang mga ito na umuwi ng kani-kanilang mga lalawigan.