Nagpahiwatig ang malakaniyang na posibleng malagay pa rin sa mas mahigpit na quarantine status sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.
Ayon iyan kay Presidential Spokesman Harry Roque kung hindi magbabago at kung patuloy pang tataas ang bagong mga kaso ng COVID-19 sa tinaguriang NCR plus bubble.
Pero nilinaw ng kalihim na hindi naman aniya aabot muli sa pagsasara ng mga negosyo bagkus ay hihigpitan pa ang galaw ng mga tao upang hindi na kumalat pa ang virus.
Sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) bubble, tanging essential travel lamang ang pinapayagan habang limitado lamang sa alfresco dine in ang mga kainan at bawal din ang malakihang religious gatherings.
Maliban pa ito sa pagpapatupad ng uniformed curfew hours na nagsisimula ng alas-10 ng gabi na tatagal hanggang ala singko ng umaga kinabukasan.
Samantala, ibinunyag naman ni interior Usec. Epimaco Densing na posibleng magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong quarantine status para sa NCR plus bubble sa Lunes ng susunod na linggo.