Isasailalim sa mas mahigpit na quarantine status ang Kalakhang Maynila at iba pang karatig-lalawigan ngayong Semana Santa.
Ito’y bunsod ng tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at paglaganap ng mga bagong variants sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, simula alas-12:01 ng madaling araw bukas, Marso 29, magiging epektibo ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na mas kilala rin bilang “NCR Plus.”
Inaprubahan po ng ating Presidente ang rekomendasyon ng IATF na ilagay muli sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang National Enhanced Community Quarantine, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o ang tinawatag nating greater Manila area, ito po ay epektibo sa Lunes, 12:01 po ng umaga, March 29, tatagal hanggang a kwatro ng Abril, taong kasalukuyan,“pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Paliwanag ni Roque, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.
Nangangahulugan ito na tanging ang mga ‘authorized persons outside residence’ o APORs lamang ang papayagang bumiyahe palabas at papasok sa mga nasabing lugar, kabilang ang mga essential travels tulad ng manggagawa, deliveries at maging ang mga maghahatid ng humanitarian aid.
Homeliners po tayo ulit sa bahay po tayo except kung tayo ay magtatrabaho sa mga bukas na industriya, kung tayo po ay APOR at kung para kumuha ng mga necessities gaya ng pagkain at gamot. Tuloy-tuloy pa rin po ang paghatid ng food and essential services at my tighten presence ng uniform personnel para ipatupad ang quarantine protocols,“ani Roque.
Sa ilalim ng ECQ 2.0 na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang rekomendasyon ng IATF o Inter-Agency Task Force, ipatutupad din ang curfew mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga habang bawala na rin ang indoor dining sa mga restoran.
Dahil dito, asahan na ang mga ilalatag na checkpoints ng mga sundalo at pulis, partikular sa mga borders ng Metro Manila.
Bagamat nandyan po muli ang mga checkpoints para nga po masiguro na tayo ay homeliners,nananatili sa bahay, unless kinakailangan pong lumabas. Pakiusap po sa mga checkpoints ‘wag nating haharangin ang mga cargos lalong-lalo na po ang mga may dalang pagkain, dahil kapag hindi nakapasok sa greater Manila area ang ating mga pagkain ay baka tayo magutom,“wika ng ni Roque.