Patay ang apat katao sa madugong kilos-protesta sa lungsod ng Chittagong sa Bangladesh.
Ayon sa ulat, sinalubong ng marahas na protesta ng mga residente ang pagdating doon ni Indian Prime Minister Narendra Modi.
Sinasabing napilitang magpasabog ng teargas at rubber bullets ang mga awtoridad matapos lumusob ang mga raliyita sa police station at nagsagawa pa ng vandalism.
Nangyari ang pagbisita ni Modi sa Bangladesh kasabay ng pagdiriwang ng Golden Jubilee sa nasabing bansa.