Isa pang Filipino abroad ang nagpositibo sa COVID-19, dahilan upang pumalo na sa 16,068 ang kaso sa ibayong dagat.
Samantala, sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), na umabot na sa kabuuang bilang na 9,738 ang recoveries habang nananatili naman sa 1,047 ang fatalities sa labas ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 5,283 ang mga Filipino patients na patuloy na sumasailalim sa gamutan sa ibayong dagat.