Handa na ang Philippine National Police (PNP) para ipatupad ang mahigpit na quarantine protocols sa Metro Manila at mga karatig nitong lalawigan.
Iyan ang inihayag ni Joint Task Force covid 19 Shield Commander at deputy chief PNP for operations P/LtG. Cesar Hawthorne Binag kasabay ng napipintong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) alas-12 ng hating gabi ng Lunes, Marso 29
Ayon kay binag, aabot sa 1,106 na mga quarantine controlled points sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite na tatauhan ng 9,356 na PNP personnel.
Dagdag pa ni Binag, mahigpit ang atas ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas sa lahat ng police commander na maging flexible sa pagpapatupad ng mga checkpoint basta’t masigurong essential ang paglabas ng isang indibiduwal.
Hindi na rin aniya maghahanap ng travel authority ang mga pulis subalit kinakailangang magpakita ng ID ng mga authorized person outside of residence o APOR na siyang pinapayagang bumili ng essential goods.